Di ko alam kung bat ako mag-u-UPCAT. Alam ko namang di ako papasa. Pero heto ako ngayon at nag-rereview.
Imbis na nag-aaral ako ng Physics ay nagpopost ako ngayon. Hahaha.
Di ko alam kung bat ako mag-u-UPCAT. Alam ko namang di ako papasa. Pero heto ako ngayon at nag-rereview.
Imbis na nag-aaral ako ng Physics ay nagpopost ako ngayon. Hahaha.
‘Di ba kayo naaasar kapag ang lakas ng ulan at may pasok sa school?! Nakakabaliw. Buong linggo nagdasal ako na sana man lang may 1 araw na masuspende, pero wala akong napala. At least weekend na, pero busy pa rin ako. Nag-aapply na kasi ako para sa mga universities, so good luck sa ‘kin! :))
Sira ang araw ko, kung alam nyo lang. Integration ng freshmen sa school. Na-enjoy ko yung integration nila, at para sa ‘kin, yun ang pinakamaganda at well-planned na integration. Ngunit sira pa rin ang araw ko. Hmmp. Kudos sa freshmen dahil hindi sila nagmukhang katawa-tawa!
Madalas, gusto ko nang magpakamatay, syempre may halong biro, pero seryoso. Emo na kung emo, pero halos wala na talagang rason para mabuhay pa. Hahaha. Unang una, ayoko sa section ko. Nag-request akong magpalipat, di ako pinayagan. Pangalawa, yung adviser namin ay isang ogag. 100% ng oras, hinihiling ko na college na ko, kahit alam kong mas mahirap ang aral.
Heto ang naging isang diskusyon ng aming Christian Values Education teacher sa klase naming walang kwenta.
Sir James: Alam nyo class, mahal kayo ng adviser nyo. Grabe ang sinasakripisyo nya para sa inyo. Ganyan nya kayo kamahal. Hindi lang nya masabing mahal nya kayo dahil… ganyan (na pag napuri kayo ay lalaki ang ulo nyo at iingay ulit).
Utak ko: Excuse me lang sir, kung mahal nya po kami, sasabihin nya bang ‘Sana kayo nalang ang naging advisory class ko‘ sa ibang klase?